Dagupan City – Tila nagresulta lamang ang Executive Order No. 62 ng pagkalugi sa mga magsasaka.
Sa naging panayam kay Cathy Estavillo, Spokesperson ng Bantay Bigas, sinabi nito na nakakadismaya umano ang ipinatupad na batas gyaong nanatiling mataas naman ang presyo ng bigas sa bansa gaya ng naitala sa Cagayan De Oro na umaabot na sa higit P60 ang presyo ng bigas.
Dahil dito, muling binigyang diin ni Estavillo na hindi kailanman sagot ang importasyon sa matagal ng suliranin ng bansa na kakulangan sa produksyon dahil iisa lamang din ang punto nito kundi ang mas tutukan pa ang sektor ng agrikultura.
Dagdag pa nito, magmula rin kasi nang maipatupad ang Rice Tariffication Law ay wala namang angyayari kundi mas tumataas pa ang mga bilihin.
Sa katunayan pa aniya ay tumaas ang naitalang importasyon ngayon sa bansa na umabot sa 3milyon ngayong taon at inaasahang tatas pa hanggang sa katapusan ng taon.
Hinggil naman sa target ng Department of Agrarian Reform na makapamahagi ng 800,000 ektarya ng lupa sa mga magsasaka bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028, sinabi ni Estavillo na dapat matamasa ng mga magsasaka ang tulong na nagmumula sa pamahalaan.
Gaya na laamng ng pagbibigay ng post-harvest facilities, at mga makinarya na pagmamay-ari na mismo ng magsasaka.
Sa nangyayari kasi ngayon, mistulang binabarat lamang ang mga magsasaka at pinipilit makipagsabayan sa presyo na ibinabagsak sa bansa mula sa importasyon.