BOMBO DAGUPAN – Umabot na sa mahigit tatlong libong kaso ng dengue sa region 1.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV DOH Region I sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, as of August 3 ng kasalukuyang taon ay nakapagtala na ng 3,021 na kaso sa buong rehiyon, pinakamarami ay mula sa lalawigan ng Pangasinan na 1,507 at 128 na kaso dito sa lungsod ng Dagupan, 607 sa La Union, habang sa Ilocos Sur ay may 577 na kaso at 202 sa Ilocos Norte.

Sa nasabing bilang, 16 na ang nasasawi, ang 14 na nasawi ay mula sa lalawigan ng Pangasinan, isa sa lungsod ng Dagupan at isa sa Ilocos Norte.

--Ads--

Sinabi ni Bobis na may epekto ng mga pag ulan at pagbaha sa pagdami ng kaso ng dengue.

Gayundin kaya pinakarami sa lalawigan dahil sa maraming populasyon sa Pangasinan na pinakarami sa lahat ng probinsya sa rehiyon.

Gayundin ang epekto ng nagdaang bagyo at pagbaha dahil pagkatapos ng baha, ay nagkaroon ng karagdagang 167 na kaso sa Pangasinan at 16 cases sa lungsod ng Dagupan,

Sa kabuoan ay nakapagtala ang rehiyon ng 141 ng mga bagong kaso ng dengue pagkatapos ng bagyo at baha.

Samantala, nabanggit din niya ang mga lugar dito sa lalawigan na kanilang binabantayan na nakapagtala ng mga kaso ng dengue.