Dagupan City – Suportado ng mga opisyales ng barangay sa boung lalawigan ng Pangasinam ang panawagan na ipagpaliban ang Brgy at Sangguniang Kabataan Election 2025.

Ayon kay Board Member Raul Sabangan, ang Federation President ng Liga ng mga Brgy sa Pangasinan, malaking tulong ito upang makapagtrabaho at maibigay ang serbisyo publiko.

Aniya, mas makakatipid ang gobyerno kung ipostponed muna ang halalang pangbarangay at maiiwasan din ang maagang pamumulitika.

--Ads--

Ipinaliwanag pa nito, kapag bagong upo pa lamang ang isang opisyal ay hindi maiiwasan na mangangapa pa ito sa trabaho kung kaya’t malaking tulong ang extension para sa pagtugon sa pangangailangan ng bawa’t mamamayan.

Samantala, umaasa naman Sabangan na maisabatas na ang Magna Carta for Brgy Officials na isinusulong sa kongreso na lubos nilang sinusuportahan.