BOMBO DAGUPAN – Naging matagumpay ang isinasagawang Register Anywhere Program o RAP sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Marino Salas ang Provincial Supervisor ng Commission on Election Pangasinan na sa pamamagitan ng programang ito kahit saan naroon ang isang indibidwal ay maaring magparehistro kung saan lagi umano nilang kasama ito sa kanilang mga Voters Education and Registration Fair sa ilang mga paaralan, hanggang sa ilang bayan o lungsod kung saan ito umano ang pang-apat na pagkakataon na kasama ang RAP dahil nagpunta na sila sa bayan ng Binalonan, Alaminos at Lingayen.
Dagdag nito na magtatapos na ang programang ito sa katapusan ng buwan habang ang Voters Registration ay sa September 30.
Kayat nagpaalala ito sa mga indibidwal na mayroon na lamang 1 buwan na palugit para magparehistro at hindi na nila ito eextend pa kaya huwag na umanong antayin pa ang huling tatlong araw o huling linggo bago pumunta sa mga Comelec Office para magparehistro dahil hindi nila kayang ma-accommodate kung dagsaan dahil nasa 400-500 aplikante lamang amg kaya nila sa isang araw dahil iisa ang kanilang makina.
Nakikiusap din ito na ngayon pa lamang ay magparehistro na sila sa mga opisina ng Comelec o alamin ang lugar kung nasaan ang kanilang makina dahil nagkakaroon din naman sila ng off site registration.