BOMBO DAGUPAN – Dinagsa ng mga delegado at democratic members ang isinagawang farewell speech ni US President Joe Biden sa entablado ng Democratic National Convention kahapon.

Ayon kay Gabriel Ortigoza, Bombo International News Correspondent USA dahil sinusuportahan si US Vice President Kamala Harris ay marami ang nagpunta na mga tao.

Aniya na tuloy tuloy ang pagsikat ni Harris at makikitang tumaas ang rating nito sa nalalapit na eleksiyon sa Estados Unidos.

--Ads--

Dagdag pa niya na kung ang survey lamang ang pagbabasehan ay sigurado ng si Harris ang mananalo.

Bukod pa dito ay maraming dating republican members ang nagsalita sa convention at nag-endorso kay Harris kung saan ang loyalty nila sa kanilang partido ay nawala at ang loyalty nila ngayon ay nasa tao na.

Ani Ortigoza, na simple lamang ang pagpipilian ng mga botante sa nasabing bansa kung si Trump ba na aniya ay isang kriminal o si Harris na isang prosecutor at respektadong tao.

Samantala, kaugnay naman sa lumalabas na litrato na aniya ay ineendorso ni singer-songwriter Taylor Swift si Trump ay hindi ito makatotohanan dahil matagal ng supporter ng democratic party si Swift.

Ibinahagi din nito na magandang desisyon ang ginawang pag-atras ni Biden bilang kandidato sa pagkapangulo dahil nakikita niya na hindi siya sigurado dahil mahina na siya at nagpapakita lamang ito na nag-iisip talaga siya para sa bayan.