BOMBO DAGUPAN- Hindi makabagong Covid ang MPOX.

Ito ang paglilinaw ng mga eksperto mula World Health Organization kaugnay sa pagtaas ng mga kaso ng nasabing sakit.

Anila, alam nila ang dapat gawin upang makontrol ang pag kalat nito,

--Ads--

Ipinahayag naman ni Europe Regional director Dr. Hans Kluge na sama-sama ang bawat isa sa paglaban ng mpox.

Saad pa niya na mapipigilan ang panibagong pangamba ng mga tao kung matiyak ang mga vaccines sa mga lugar na lubos itong kinakailangan.

Samantala, nakapagtala naman ng bagong variant ng Mpox, ang Clade Ib, noong nakaraang linggo sa Sweden at may kaugnayan ito sa lumalaking outbreak sa Africa.

Hindi naman bababa sa 450 katao ang nasawi sa Democratic Republic of Congo dahil sa sakit na ito.