BOMBO DAGUPAN- Wala umano sa batas ang pagtuturo ng mga guro nang higit sa anim na oras.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Benjo Basas, ang Chairperson ng Teachers Dignity Coalition, ginamit sa pagpapatupad ng Department Order no. 10 o ang Matatag Curriculum ang Department Order no.5 kung saan required umano ang higit 6 oras na pagtuturo ng mga guro.

Giit ni Basas na hindi ito suportado ng batas dahil nakasaad sa Magna Carta for public teachers ang pagpapatupad ng isang batas na naaayon sa kapakanan ng mga guro.

--Ads--

Nagdudulot din ito ng kalituhan sa mga guro dahil sa mahabang teaching hours.

Aniya, ang Matatag Curriculum ay hindi naman nakatuon sa working hours kundi sa nilalaman ng mga aralin.

Kaugnay nito, sa tingin ni Basas na ang mahalagang hakbang na gawin ngayon ay ang pagsuspend ng DO no.5 at kasunod nito ang Matatag Curriculum.