Dagupan City – Ipinaliwanag ni ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang kahalagahan ng selebrasyon sa Ninoy Aquino Day.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Eufemio Agbayani, Historical Sites Researcher ng NHCP, ito kasi ang araw kung saan inassassinate si Ninoy Aquino matapos na piliing bumalik sa bansa para humarap sa taumbayan.
Aniya, si Ninoy kasi ang naglakas loob para humarap sa rehimeng Marcos Sr. na siyang presidente ng Pilipinas sa panahong iyun sa loob ng higit 15 taon.
Kung kaya’t nang masawi ito sa noong ika-21 ng Agosto taong 1983, mistulang namulat at gumising ang taumbayan, at dito na nabuo ang People Power Revolution na siyang ngapatalsik sa diktaduryang rehimen.
Samantala, binigyang diin naman ni Agbayani bagama’t inilipat sa Agosto 23 ang Ninoy Aquino day ngayong taon, mananatili pa rin sa Agosto 21 ang kanilang pagkilala at pag-aalay ng bulaklak upang hindi mawala ang tunay na diwa nito.
Matatandaan na tuluyang ideneklarang holiday ang August 21 noong taong 2004 sa ilalim ng RA 9256.
Layunin nito na maging mulat ang publiko, mabigyan ng kamalayan at matuto upang hindi na muling maulit pa ang mga nangyari sa nakaraan.
Bagama’t may mga tila “deja vu” na nangyayari ngayon gaya na lamang ng pananakop sa ating bansa partikular na sa issue sa West Philippine Sea, sinabi ni Agbayani na huwag magpapasilaw sa pananakot bagkus ay itatak sa kaisipan na sa atin ang wps.