BOMBO DAGUPAN- “Para tayong ginisa sa sarili nating mantika”

Ganito ipinahayag ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang kaniyang pagkadismaya sa Senate plenary session kaugnay sa pagtakas ni dismiss Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping sa Pilipinas.

Aniya, batay sa pag-track ng National Bureau of Investigation kay Guo, gabi ng Hulyo 17 sa Pilipinas nang tumungo si Guo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

--Ads--

Nakumpirma umano ito sa pamamagitan ng passport ni Guo na mismong nagmatch sa dokumentong hawak ng senado.

Napag-alaman din ni Hontiveros na tumuloy si Guo sa Singapore noong ika-28 ng Hulyo kung saan kinita nito ang kaniyang mga magulang na sina Lin Wen Yi at Jian Zhong Guo, at kasama din si Wesley Guo at Cassandra Ong.

Giit ni Hontiveros na hindi makakaalis ng bansa si Guo kung walang tumulong na mgs opisyales ng pamahalaan.

Kinwestyon din ng senador ang pangunguna ng law enforcement sa pagpapatupad ng pagban ng Philippine OffShore Gaming Operators sa bansa.

Saad pa niya kung ang mga ito din ang kailangan imbestigahan at panagutin kung may kinalaman ang mga ito sa tuluyang paglipad ni Guo palayo ng bansa.

Nangako pa aniya ang Department of Immigration sakaniya at sa Senate President Pro Tempore na hindi nila hahayaang makaalis sa Pilipinas si Guo.