BOMBO DAGUPAN – Arestado ang 41-anyos na babae sa bayan ng Villasis matapos silbihan ng apat na warrant of arrest dahil sa kasong illegal recruitment.

Ayon kay PMAJ. Edgar Allan Serquiña COP, Villasis PNP na nang-eengganyo ang suspek na magrecruit ng mga tao na nais mag-abroad subalit kalaunan ay hindi niya naman napalipad ang mga ito.

Kung saan kinilala ang suspek na si Marie Antoinette Garcia Balberan, 41 taong gulang, self-employed, at isang residente ng Brgy Flores sa bayan ng San Manuel.

--Ads--

Kaugnay nito ay mayroon na itong parehong kaso noon at hindi na ito bago saknya.

Ang krimen ng Illegal Recruitment ay may inirekomendang bail bond na Php 120,000, at para sa krimen ng Swindling (Estafa) ay may recommended bail bond naman na P36,000 each.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya pa rin ng San Manuel PS ang suspek at inihahain na ang mga kaso laban sakanya.