BOMBO DAGUPAN – Nakatakda nang mapanood ngayong linggo si Dennis Trillo bilang si Colonel Yuta Saitoh, na siyang pinakamabagsik na kalaban at magpapahirap sa mga bida ng primetime series na “Pulang Araw.”

Sa isang ulat nitong Sabado, sinabing ito ang kauna-unahang major kontrabida role ng aktor na magdudulot ng pasakit sa mga bidang sina Adelina, Teresita, Hiroshi at Eduardo, na ginagampanan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Alden Richards.

Ayon kay Dennis, may translator at historian sa set para mas maging angkop ang kaniyang pagni-Nihonggo.

--Ads--

Kaugnay nito ay nauna nang iniulat na ang karakter ni Dennis ang magiging kalaban ng karakter ni Alden .

Dagdag pa nito na excited na siyang maka-eksena si Alden na hindi pa niya nakakatrabaho sa isang drama project.