BOMBO DAGUPAN – Lalo lamang ikinagalit at nalungkot ang iba sa pagbabago sa petsa ng paggunita sa Ninoy Aquino Day.

Ayon kay Xiao Chua, isang historian sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, hindi na dapat binago ang petsa dahil lilipas din lang.

Maganda aniya ang naging hakbang na long weekend pero mukhang pinabababa nito ang kahalagahan ng nabanggit na mga importanteng kaganapan sa ating kasaysayan. Bukod dyan ay magkakaroon din ng pagkalito para sa iba.

--Ads--

Una rito ay inalmahan ni Liberal Party President at Albay 1st District Representative Edcel Lagman ang pasya ng MalacaƱang gawing August 23 ang August 21 na paggunita sa pagkamatay ni dating Senator Ninoy Aquino.

Katwiran ni Lagman, ang pagpanaw ni Aquino ay dapat gunitain sa araw na pinaslang ito.

Samantala, may mga nakalinyang aktibidad sa ika-41 taong anibersaryo ng pagkamatay ni Ninoy.

Ayon kay Chua, bandang ala 8 ng umaga ay may paggunita sa Ninoy Aquino Intenational Airport kung saan siya pinatay.

Samantala, magkakaroon aniya sila ng motorcade kasama ang ATOM papuntang Manila Memorial park kung saan ay nakalibing si Aquino at may mga pupunta naman sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City.

May hiwalay ding commemoration sa Concepcion Tarlac na pangungunahan ng kanyang pamilya.

Nanawagan naman siya sa mga kapwa Pilipino na gawing onspirasyon si Aquino sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa.