Dagupan City – Mga kabombo! Naranasan niyo na bang hindi uminom at kumain sa loob ng kalahating araw?

Paano kaya ang babae sa Ethiopia na sinasabing 16 na taon na siyang hindi kumakain o umiinom?

Ayon sa mga eksperto, tatagal ng walo hanggang 21 na araw ang isang tao nang hindi kumakain, habang tatlong araw lamang nang walang tubig.

--Ads--

Ngunit ibahgin niyo ang babaeng kinilalang si Muluwork Ambaw, 26-anyos.

Ayon sa kaniya, 10 taong gulang siya nang mawalan na lamang bigla ng ganang kumain. Kung kaya’t magmula noon, hindi na raw siya kumakain o umiinom ng kahit ano.

Pagsasalaysay pa nito, noong umpisa ay nagsisinungaling pa umano siya sa mga magulang at sinasabing kumain na siya kahit hindi naman. Hanggang sa inamin din nito ang sitwasyon.

Lumalabas din na dahil hindi ito kumakain o umiinom, hindi na niya kailangang magbanyo, maliban na lamang kung maliligo.

Dahil sa kanyang kondisyon, sumailalim siya sa iba’t ibang medical tests sa Ethiopia. Lumabas sa findings ng mga doktor sa isang ospital sa Addis Ababa na walang laman ang kanyang mga bituka.

Kung saan ultimo ang prime minister ng Ethiopia ay ipinadala si Muluwork sa Dubai para sa karagdagang pagsusuri, ngunit ayon sa ulat, wala talaga silang nakitang mali sa kanya.

Bagama’t walang pumapasok na sustansiya sa katawan, maayos ang kalusugan ni Muluwork. Nananatili siyang malakas at nagagampanan ang pang-araw araw niyang gawain bilang ina at asawa.

Dahil dito, naging hati naman ang opinyon ng mga netizen, sa katunayan isang vlogger din ang nagsabi na posibleng isa siyang superhuman—o kaya naman ay “super liar”.