BOMBO DAGUPAN – “Nakakatakot”

Yan ang ibinahagi ni Marie Rochelle Ogdamen Bombo International News Correspondent sa Lebanon ito ay kaugnay ng inaasahang pagtindi pa ng sigalot sa pagitan ng Lebanon at Isarel dahil anumang oras ay nagpapakawala ng missiles ang Israel.

Aniya na hindi ligtas lalo na sa timog na bahagi ng Lebanon dahil doon ang muslim part ng bansa.

--Ads--

Halos mag-iisang buwan na noong magsimula ang nasabing tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa at hanggang ngayon ay mas lalo pang lumalala ang sitwasyon.

Bagama’t halos sampung taon na sa bansang Lebanon si Ogdamen aniya ay nasanay na sila sa ganitong buhay.

Kaugnay naman sa panawagan ng embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa na agarang paglikas ng mga pinoy doon aniya ay pwedeng mag-apply ng repatriation upang matulungan at kung nais magpasundo upang makauwi ng Pilipinas.

Samantala, dahil mas ligtas sa mga bundok ay minsan doon sila nagtutungo kapag gabi kumpara sa mga syudad.

Nagpaalala naman ito na ugaliing mag-ingat at maging alerto lalo na sa mga bahagi ng bansa na walang tigil ang nagaganap na putukan.