BOMBO DAGUPAN -Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga empleyado sa pribadong sektor na magtatrabaho sa paggunita ng Ninoy Aquino Day sa Miyerkules, Agosto 21, at National Heroes Day sa Lunes, Agosto 26, ay may karapatan sa karagdagang sahod dahil idineklarang holiday ang mga nasabing araw.
Ayon kay DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Agosto 21 bilang isang special non-working holiday at ang Agosto 26 bilang isang regular holiday batay sa Presidential Proclamation 368.
Ang mga empleyadong magtatrabaho sa special non-working day ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanilang sahod para sa araw na iyon.
Kung nataon naman na tumapat sa araw ng pahinga ng isang empleyado ang special non-working day ay may karapatan pa rin silamg tumanggap ng 50% ng kanilang batayang sahod para sa unang walong oras ng trabaho at 30% ng kanilang orasang sahod para sa overtime.
Pasok pa rin ang mga nasabing holidays sa “no work, no pay” policy.
Ang mga empleyado naman na magtatrabaho sa regular holiday ay tatanggap ng 200% ng kanilang sahod para sa loob ng walong oras ng trabaho