Dagupan City – Mga kabombo! Kung sa banasang Pilipinas, hindi kompleto ang isangutahe kapag walang asin. Gaya na lamang nang pagmamadali ng ina sa anak para pabilhin ito ngh asin sa tindahan kapag naubusan ng stock sa tahanan.

Ibahin niyo ang Kapan dahil sa kanila, bagama’t pareho sa bansa na kumukonsumo ang isang average Japanese person ng 10 grams ng asin sa isang araw.

Doble sa inirekomendang less than 5 grams na sodium intake ng World Health Organization (WHO).

--Ads--

Naka-imbento ang isang Japanese company na Kirin ng isang battery-operated na kutsara na nagpapaalat sa pagkain?

Mapapa-wow ka sa tinatawang nilang Electric Salt Spoon. Ang Electric Salt Spoon ay gawa sa plastic at metal na pinapagana ng rechargeable lithium battery.

Ayon sa ulat, inimbento ito upang maging malasa pa rin ang pagkain, kahit wala itong asin. Mabibili naman ito online sa halagang ¥19,800 o mahigit P7,600.

Naging posible naman ito sa pamamagitan ng pagpasa ng mahinang electric current sa dulo ng kutsara na nagco-concentrate ng sodium ion molecules sa dila na nagpapaalat sa panlasa.