BOMBO DAGUPAN – “Hindi kapani-paniwala.”

Yan ang ibinahagi ni Sonny Africa Executive Director, Ibon Foundation kaugnay sa P64 kada araw na budget para sa pagkain ay hindi maituturing na hikahos sa buhay.

Aniya na hindi na ito nakakagulat dahil sa napakababang pamantayan ng gobyerno at nakakatawa na lamang na ito ay tinatalakay at pinag-uusapan.

--Ads--

Kaugnay nito ay masalimuot ang naging proseso ng nasabing survey subalit lumabas lamang na ang numero ay napakababa.

Saad niya na hindi ito realistic at dapat na maiwasto. Bagamat limitado lamang ang menu na ibinigay at ang napakababang presyo lamang ang pinagbasehan.

Pagbabahagi niya na sa bayad pa lamang sa upa, kuryente, tubig, pamasahe, edukasyon at iba pa ay kulang na kulang na ito.

Dahil kung titingnan namang mabuti ay ilan ba talaga ang pumupunta sa mga malls at madami ang binibili sa regular na usapan ay mga middle class pataas lang naman aniya ang nakagagawa nito.

Samantala, aniya ay sana maging tapat na lamang ang gobyerno para sa interes ng nakararami at hindi nakatutulong ang pagtago na may problema talaga sa bansa.