BOMBO DAGUPAN – Patuloy nating gunitain ang Ninoy Aquino Day sa Agosto 21 sa gitna ng pagtatangka ng administrasyon at mga tagasuporta nito na burahin sa kasaysayan ang August 21.

Ayon kay Karl Patrick Suyat ng Project Gunita and August 21 Movement (ATOM), patuloy na alalahanin ang mga naging sakripisyo ni Ninoy partikular sa panahon ng diktadoryang Marcos Sr., ang kanyang pagkakakulong at disisyon na umuwi sa Pilipinas kahit may banta sa kanyang buhay.

Ito aniya ay paalala rin sa mga tao na balikan ang mga halimbawa ni Ninoy, tignan sa ating panahon ang mga kandidato sa darating na eleksyon.

--Ads--

Giit ni Suyat na dapat panatilihing buhay ang ala ala ni Ninoy kaya mahalaga ang pagmarka sa Agosto 21 kaysa sa mga programa o pakulo na ilulunsad ng gobyerno.

May holiday man o wala, panatilihing buhay aniya ang pagkilala sa sakripisyo ni Ninoy at sa napakahalagang papel na kanyang ginampanan sa paglaban ng mamamayan para sa demokrasya noong dekada 80.

Samantala, may nakalinya silang aktibidad sa August 21, mismong lugar kung saan pinatay si Ninoy na pangungunahan ng National Historical Commission of the Philippines gayundin may motorcade ang ibat ibang rgrupo o indibiduwal sa araw ding yun.