BOMBO DAGUPAN- Maaaring buhayin muli ang ginawang pagpopondo ni dating Pangulong Benigno Aquino III para sa mga manufacturers ng bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jaime Aguilar, Secretary General, ng National Confederation of Transport Workers Union, nais man makipagtulungan ng mga local manufacturer upang isulong ang proposal ng kanilang union kaugnay sa eco-public utility vehicles subalit kinakapos naman sa pondo.
Nagawa aniyang pondohan ng 3 taon ang mga local manufacturers ng bansa kung saan inabot ito ng P9-billion.
At kung magkaroon man ng public funding, makakatulong ito upang magkakaroon ng murang pagbenta ng mga units.
Maliban diyan, maaari pa aniya itong lumikha ng mga trabaho para sa mga Pilipino.
Magbubukas din aniya ito ng oportunidad para mag export ng mga unit na gawang atin.