Dagupan City – Binigyang prayordidad ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Binmaley ang pagbibigay ng liwanag o mga ilaw sa mga madilim na bahagi ng kanilang bayan.
Ayon kay Binmaley Mayor Pedro ‘Pete’ Merrera III, layunin nito na maiwasan ang mga naitatalang kriminalidad sa kanilang lugar.
Dahil kapag madilim ang isang lugar aniya, mataas ang tiyansa ng kapahamakan.
Bukod naman sa kaligtasan ng mga residente at turista sa bayan, layunin din nito na humikayat pa ng mga investors.
Isa kasi aniya sa tinitignan ngayon ng mga investors ay ang seguridad din ng kanilang mga posibleng kliyente kung kaya’t malaking tulong ang pagbibigay ng ilaw sa kanilang lugar.
Dagdag pa rito, plano rin nilang dagdagan pa ang mga CCTV.
Samantala, hinggil naman sa nangyayaring pagbaha, hindi susi aniya ang pagpapataas ng kalsada bagkus ay dapat na bigyang tugon ang pinagmumulan nito gaya na lamang ng mataas na naitatalang pagbaha sa Dagupan na ang pangunahing problema ay ang mga ilog.