Dagupan City – Namahagi ang alkalde ng Binmaley 500 reflectorized vest sa mga motorista ngayong araw sa bayan.

Ayon kay Binmaley Mayor Pedro ‘Pete’ Merrera III, layunin nito na bigyang proteksyon ang mga motorista sa bayan at makaiwas na rin sa mga nahuhuli.

Bago ito, nauna na rin silang namahagi ng 1,000 reflectorized vests at Reflectorized stickers sa mga tricycle drivers at motorista.

--Ads--

Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa pagpapaigitng ng Pangasinan Provincial Police Office ng sa ipinatupad ng Pangasinan Provincial Government ordinance number 325-2024 hinggil sa regulasyon sa mga motorcycle rider na lumalabas ng gabi.

Kung saan sa ilalim ng ordinansa, kailangan ng magsuot ng high-visibility reflectorized vest ang mga motorcycle rider pati ang kanilang angkas tuwing 6PM hanggang 6AM.

Ang mga sumusunod ang multa na ipapataw sa mga lalabag:

FIRST OFFENSE: Babala

SECOND OFFENSE: P1,000

THIRD OFFENSE: P2,000

FOURTH OFFENSE: P5,000 at pagkakakulong na hindi lalagpas ng isang taon.