BOMBO DAGUPAN– Binibigyang pansin ang pagpasa sa mga ordinansa patungkol sa parking at traffic ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Manaoag para sa kapakanan ng mga turistang bibisita dito.

Kilala ang bayan bilang Pilgrimage Destination dito sa Pangasinan dahil sa kanilang Our Lady of the Holy Rosary of Manaoag Church na dinarayo ng mga turista saan man panig ng bansa.

Ayon kay Manaoag Mayor Jeremy “Doc Ming” Rosario na sa bawat ordinansang kanilang ipinapasa ay may mga proseso na dumadaan sa Sangguniang Panlalawigan bago ito iimplementa.

--Ads--

Aniya na ang Parking at Traffic Ordinance ay matagal nang kailangan bigyan pansin sa bayan upang maprotektahan ang karapatan ng mga bisita para mabigyan ng maayos na pagtanggap sa pagbisita ng mga ito sa bayan upang may maayos na sistema ng parking at traffic.

Kaugnay nito na palagi umanong sinasabi nito sa mga residente na huwag lolokohin ang mga bisita at ibigay ang karampatang hospitality dahil ang pagbisita nila sa bayan ay isang biyaya mula sa Diyos dahil kahit hindi na sila magpromote ay binibisita talaga sila dahil sa simbahan at pananampalataya ng mga tao lalo na kapag araw ng linggo.