BOMBO DAGUPAN– Kinumpirma ni Vilma Santos na may bagong pelikula siyang gagawin na pamamahalaan nina Direk Dan Villegas at Direk Antonette Jadaone.

Ipoprodyus ito ng Mentorque Productions ni John Bryan Diamante, na nag-produce din ng MMFF 2023 entry ni Piolo Pascual na Mallari, at co-producer ng Cinemalaya 20 entry na Kono Basho.

Masaya ang maraming fans nito nang malaman na may inihahandang bagong pelikula si Ate Vi.

--Ads--

Samantala, bukas para sa public viewing mula August 16 at 17 ang The Vilma Night exhibit.

Libre ang entrance is free at puwede magsama ng mga kaibigan.

Samantala, napukaw ang pansin ng marami sa sa isang still photo ng Magkaribal (1977) kung saan walang saplot ang isang lalaking nakatalikod at ang tanong ng marami kung Si Christopher de Leon ba iyon?