BOMBO DAGUPAN- Napapabalita na ang pagpanic buying ng mga residente na malapit sa Nankai Trough matapos ang paglabas ng abiso kaugnay sa “megaquake”.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, pinaghahandaan na ng mga residenteng pasok sa 600km strech mula sa nasabing trough o ang Miyuzaki hanggang Shizuoka.
Aniya, wala man kasiguraduhan kung kailan tatama ang lindol subalit para sa mga tao ay may magagawa silang paghahanda hanggang may pagkakataon pa sila.
--Ads--
Gayunpaman, agad din pinataas ng gobyerno ng Japan ang kanilang kahandaan sa ‘megaquake’ matapos ilabas ang abiso.
Binisita ng mga otoridad ang 75 evacuation centers na maaaring magamit sa kalamidad.