BOMBO DAGUPAN – Walang lihim na hindi nabubunyag, iyan ay matapos malaman ng isang groom sa Japan na ang kanyang nobya ay 25 taong mas matanda sa kanya sa bisperas mismo ng kanilang kasal.
Twenty-nine years old si Yoshitaka nang ma-meet niya ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso na si Aki isang manager ng isang japanese- style bar kung saan sila nagkita.
Matapos ang ilang beses na pag-uusap, na-realize ng dalawa na magkapareho sila sa maraming bagay gaya na lamang na pareho silang nanggaling sa hindi matagumpay na marriage.
Single parent din silang dalawa, at solong nag-aaruga ng mga anak.
Dahil dito naging madalas ang pagpasyal ni Yoshitaka sa bar na pinamamahalan ni Aki, at minsan ay niyaya niya itong mag-date.
Noon pa man ay napansin na ni Yoshitaka na mukhang mas may edad nang konti sa kanya si Aki kung saan pinahulaan sa kanya ng babae kung ano na ang edad nito, pero hindi niya ginawa. Sinabi lang niya na siguro ay nasa 15 taon ang kanilang pagitan.
Hindi naman ipinagtapat ni Aki ang tunay na edad sa nobyo. Subalit ang totoo noong time na iyon ay 54 na siya, pero ang sinabi niya sa suitor ay 44 lang siya.
Natakot siyang iiwasan siya kapag nalaman nitong 25 years ang agwat ng edad nila na pinaniwalaan naman si Yoshitaka.
Kaya sa loob ng pitong taon mula noong maging sila, naitago ni Aki kay Yoshitaka ang tunay na edad.
Nang lumaganap sa buong mundo ang COVID-19 pandemic noong pagsisimula ng 2020, nagdesisyon ang dalawa na magpakasal na.
Na-realize ni Aki na malaki ang posibilidad na tamaan siya ng virus. Kapag dinala naman siya ni Yoshitaka sa ospital kung sakali, kailangang ibigay nito ang mga tunay na impormasyon tungkol sa kanya para hindi ma-confuse ang mga doktor.