BOMBO DAGUPAN – “Malinaw na ito ay anti-worker”

Yan ang binigyang diin ni Jerome Adonis Secretary General, Kilusang Mayo Uno kaugnay sa usaping pagbabawas ng holiday sa bansa.

Aniya na nararapat lamang na makagpahinga ng maayos at makapagliwaliw ng kaunti ang mga manggagawa dahil mas nagiging produktibo sila taliwas sa pahayag na nababawasan ang kanilang productivity dahil umano sa mga holiday.

--Ads--

Saad niya na mas mainam na lamang na magkaroon ng legislative wage increase, gawing regular ang mga empleyado at bigyan ng karapatan para mag-unyon.

Bagamat kung mayroong mataas na sahod na nakabubuhay ay mas relax ang isip ng mga manggagawa at magiging mas masaya silang magbigay serbisyo sa kanilang mga kabababayan.

Kaugnay nito ay hindi solusyon ang pagbabawas sa mga holiday dahil ang mga ito ay mariing nakakonekta sa ating kasaysayan at kultura na dapat ay hindi basta-basta lamang na alisin.

Sa kasalukuyan ay patuloy naman ang kanilang pakikipagdayalogo para sa matagal ng kampanyang dagdag sahod.

Nananawagan naman ito na magbigay ng mga opinyon at magsalita upang malakas na manawagan sa gobyerno na kagyat na harapin ang matagal ng kahilingan ng mga manggagawang pilipino.