DAGUPAN CITY – Kontrolado na ng mga pwersa ng Kyiv ang 1,000 sq km ng teritoryo ng Russia habang pinipilit nila ang kanilang pinakamalaking cross-border incursion sa dalawa at kalahating taon ng malawakang digmaan.
Ayon kay Commander Oleksandr Syrskyi na ang Ukraine ay patuloy na “nagsasagawa ng isang offensive operation sa rehiyon ng Kursk” pitong araw matapos itong magsimula.
Sinabi ng Pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky na ang Russia ay nagdala ng digmaan sa iba at ngayon ay babalik na ito sakanila.
Ngunit inilarawan ng pinuno ng Russia na si Vladimir Putin ang opensiba bilang isang “major provocation” at inutusan ang mga pwersang Ruso na “paalisin ang kaaway sa labas ng kanilang teritoryo”.
Ang dumaraming bilang ng mga tao ay inilikas mula sa kanlurang rehiyon ng Russia para sa kanilang kaligtasan, na may karagdagang 59,000 na ang sinabihan na umalis.