DAGUPAN CITY – Isa ang nasawi nang kumalat ang matinding wildfire sa mga suburb ng Athens sa Greece nitong Lunes.
Ayon sa isang ulat ang bangkay, na pinaniniwalaang isang babae, ay natagpuan sa loob ng isang tindahan sa bayan ng Vrilissia, hilagang Athens.
Kaugnay nito ay libu-libong tao ang inilikas matapos magbabala ang mga bumbero na ang mga tahanan, negosyo at paaralan ay nasa ilalim ng banta, na inaasahang magpapatuloy ang sunog hanggang ngayong araw.
Sinabi naman ng tagapagsalita ng serbisyo ng bumbero na si Col Vassilios Vathrakogiannis na habang wala nang isang aktibong fire front sa hilagang-silangang rehiyon ng Attica, na kinabibilangan ng mga bahagi ng Athens, mayroon pa ring “maraming aktibong localized blazes”, karamihan ay sa paligid ng mga bayan ng Marathon at Penteli.
Mahigit 700 bumbero, 199 na mga makina ng bumbero at 35 na sasakyang panghimpapawid ng tubig na ang patuloy na nagsisikap na maapula ang mga sunog, na unang sumiklab noong Linggo ng hapon sa may 35km (22 milya) hilaga ng kabisera ng Greece.