BOMBO DAGUPAN – Hindi sang-ayon si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa mungkahing magdeklara ng state of emergency dahil sa pagtaas ng mga impeksyon ng African Swine Fever (ASF).
Sinabi Laurel na ang kasalukuyang sitwasyon ng ASF ay hindi magdudulot ng kakulangan ng suplay ng karne ng baboy o pagtaas ng presyo nito.
Hindi aniya matutulad noong 2019 kung saan ay nagpatupad ng malawakang pag-lockdown ng buong mga bayan, dahil dito sa bagong diskarte ay tututok lang muna sa paghiwalay lamang sa mga hog farms na nagpositibo sa sakit.
Una nang naglatag ang ahensya ng mga checkpoint upang mapigilan ang transportasyon ng mga may sakit na hayop sa mga karatig probinsya.
Kabilang dito ang pagbili ng 10,000 doses ng mga bakuna kontra ASF para sa emergency inoculation sa mga apektadong lugar.