Dagupan City – Pinangunahan ng Organisasyong “Sama-Sama” ang paglilinis sa old and new public market sa lungsod ng San Carlos.

Kung saan ay nag-ikot ang mga empleyado sa palengke sa lungsod na layuning magkaisa sa paglilinis ng old and new market sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Joseph D. Fernandez, ang OIC, Superintendent sa palengke ng syudad, umaga pa lang ay nag-uumpisa na silang mag-follow up sa mga vendors na nagtitinda sa bawal na pwesto o hindi tamang lugar at nilalagay o nililipat sila sa tamang pwesto.

--Ads--

Dagdag pa rito, pinagsasabihan rin ang mga motorista na pumapasada at nagpapark na dapat ay nasa tamang area o paradahan.

Para sa kanilang monitoring, ang pag-iikot ng mga naatasan sa paglilinis ay dalawang beses sa umaga, at dalawang beses din sa hapon.

Mahigpit din sila sa pagsunod sa tamang pagtatapon ng basura lalo na sa pagseggregate ng nabubulok sa hindi nabubulok.

Naniniwala naman ito na mahirap mang mapasunod ang mga vendors sa umpisa, kung saan ay kinakailangan mong ipapakita kung ano ang mga gusto mong mangyari kagaya na lamang ng mga aktibidad para sa kanilang kapakanan at kaligtasan, handa naman silang makinig at bukas naman sila sa mga patakaran sa palengke.