Dagupan City – Isang hero’s welcome ang ibibigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 22 atleta na lumahok sa 2024 Paris Olympics.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Protocol Chief Reichel Quinones, kung saan ay sinabi nito na personal na igagawad ng pangulo ang Presidential Medal of Merit kay two-timer 2024 Paris Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Kaugnay nito ay bibigyan din ng Pangulo ng Presidential Citations sina Nesthy Petecio at Aira Villegas na kapwa nakapag-uwi naman ng bronze medals sa larangan ng boxng.
Ayon kay Quinones, bukod sa mga nakapag-uwi ng medalya ay gagawaran din ng Presidential Citations ang 19 pang atleta.
Dagdag pa rito, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Dale de Vera na tila may hiwalay na cash incentives si Pangulong Marcos sa lahat ng atleta na lumahok sa Olympics. Bukod pa ito sa isinasaad sa Republic Act 10699 na nagbibigay ng P10 milyon sa gold medal, P5 milyon sa silver medal at P2 milyon sa bronze medal.