BOMBO DAGUPAN- Naging matagumpay ang mga mangagawa na bigyan ng pressure ang panukalang inilabas ni Senate President Chiz Escudero kaugnay sa pagbabawas umano ng holidays sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Julius Cainglet, Vice President ng Federation of Free Workers, isang magandang balita ang hindi na babawasan ang holiday sa bansa dahil ang nagmumula sa sapat na pahinga ang pagiging produktibo ng isang mangagawa.

Kaugnay nito, marami naman din ang no work no pay kung saan walang karagdagang sahod o double pay kung hindi naman nagtrabaho sa araw ng holiday. At obligado lamang bayaran ng double pay ang mangagawa tuwing regular holiday kahit pa man naka-rest day ito o scheduled leave.

--Ads--

Aniya, kung pagsusumahin pa, mas kaonti ang holidays ng Pilipinas kumpara sa iba pang bansa sa Southeast Asia.

Gayunpaman, kaysa ito ang pagtuonan ng senado ay dapat mas bigyan nila ng pansin ang matagal ng sigaw ng mga mangagawa na dagdag-sahod.

Dahil wala naman pinipili ang inflation, mas mabuti aniyang magkaroon na lamang ng iisang wage rate sa buong bansa.

Dapat din magkaroon ng malalimang review sa mga wage boards dahil di naman umano nila natutugunan ang pangangailangan ng manggagawa.

Samantala, kung bubusisiin mabuti ang naging pahayag ni Escudero ay maaaring magkaproblema lamang sa paggunita ng mga espesyal na araw ng kasaysayan.

Mahalaga din aniya bilang isang Pilipino na gunitain ang mga sakripisyo ng bayani para sa ating bansa.