Dagupan City – Inaasahan pa na tataas ang produksiyon ng palay sa susunod na taon.
Ito ang naging pahayag ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen.
Aniya, ito ay resulta ng pagdami ng irrigation facilities at mga dam sa bansa na makatutulong para patubigan ang mga taniman ng palay gaya na lamang ng bagong dam na binuksan kamakailan sa iba’t ibang panig ng bansa tulad ng Western Visayas, Cordillera, Central Luzon, at iba pa.
Aniya, makatutulong umano ang mga ito sa pagpapalakas ng lokal na industriya ng bigas sa gitna na rin ng marubdob na pagtutulungan ng mga magsasaka at ng gobyerno.
Habang inaasahang magagamit na rin ang bagong binuong cropping calendar kung saan ang kasalukuyang dalawang cropping season sa NIA-irrigated areas ay gagawin nang tatlong cropping season.
Binigyang diin naman nito ang pagpasok at pagsasama sa konsepto ng irigasyon sa mga flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).