BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang isang piloto matapos na bumagsak ang isang helicopter sa bubong ng isang hotel sa hilagang Queensland city ng Cairns sa Australia.

Tumama ang aircraft sa DoubleTree ng Hilton hotel bandang 01:50am local time nitong Lunes na nagdulot ng sunog at napilitang lumikas ang daan-daang bisita.

Sinabi ng mga awtoridad na ang tanging sakay ng helicopter ay namatay sa pinangyarihan, habang ang dalawang bisita sa hotel – isang lalaki na edad 80 at isang babae sa edad 70 ay dinala sa ospital at nasa maayos ng kalagayan.

--Ads--

NabaHumigit-kumulang 400 katao ang inilikas mula sa hotel.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Queensland Police at ang aviation safety watchdog sa nasabing insidente.

Ang lungsod ng Cairns na matatagpuan sa Northern Queensland, ay isang popular na tourist destination dahil malapit sa Great Barrier Reef.