Dagupan City – Maaring panggulo lamang ang ipinapakitang aksyon ni Vice President Sara Duterte sa kasalukuyang administrasyon.
Ito ang isa sa nakikitang dahilan ng Political Analyst na si Atty. Michael Henry Yusingco sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan.
Aniya, nang mangyari kasi ang pagbaha sa Metro Manila, tila ba wala itong inatupag kundi ang pamumulitika dagdag pa ang pag-alis nito sa bansa.
Kung talagang seryso kasi aniya ang bise presidente, dapat ay ipakita nito ang tulong, katapatan, at mga ebidensya sa publiko. Gaya na lamang ng mga napapaulat na issue na dawit ang kaniyang ama na si dating pangulong si Rodrigo Roa Duterte.
Binigyang diin ni Yusingco na ang tamang paraan ay ang pagharap sa media at ipaliwanagang mga kaganapan. Taliwas sa ginagawang aksyon ng bise na pawang puro patutsyada.
Samantala, sa nalalapit na eleksyon, tila maingay aniya ang partido federal. At binigyang diin nito na sana ay mangibabaw sa taumbayan ang kandidatong may tapat na puso para sa bayan at may plano sa kaniyang tungkulin at administrasyon.