BOMBO DAGUPAN- Itinaas ng Malacañang ang P31-billion na calamity fund para sa susunod na taon.

Inilabas ang nasabing budget sa National Ependiture Program for 2025 na isinumite ni Budget Secretry Amenah Pangandaman sa House of Reperesentatives noong Hulyo 29.

Ayon kay Makati 2nd District Rep. Luis Campos Jr., na mas mataas ito ng 51% kaysa sa P20.5-billion allocation ngayon taon.

--Ads--

Aniya, ang pagpapalaki ng naturang pondo ang magbubukas para sa mga ahesnya upang mapabuti ang kanilang emergency aid, relief, at rehabilitation services sa mga biktima ng kalamidad.

Ang P14.7-billion sa nasabing budget ay para sa capital outlay o gagamitin para sa pagpapatayo muli ng mga nasirang istraktura habang ang P7.7-billion ay gagamitin naman sa Quick Response Fund ng 8 frontline departments.

Kabilang din dito ang P1-billion para sa People’s Survival Fund (PSF).