BOMBO DAGUPAN – Inaasahan ang malakihang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong darating na linggo.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may rollback sa presyo ng gasolina at ika-5 sa diesel at kerosene.

Base sa four-day international oil trading, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero na ang presyo ng gasolina ay posibleng bumaba ng P2.30 hanggang P2.50 kada litro.

--Ads--

Nasa P1.90 hanggang P2.10 kada litro naman ang tinatayang bawas-presyo sa diesel at P2.35 hanggang P2.40 kada litro sa kerosene.

Samantala, ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.