BOMBO DAGUPAN – Narekober na ang lahat ng 62 bangkay sa lugar kung saan ay bumagsak ang sinakyang eroplano sa Brazilian state ng São Paulo.
Ito ay makaraang sama sama ang mga grupo sa pagkilala sa mga biktima
Ang twin-engine turboprop na pinapatakbo ng airline Voepass ay bumagsak sa isang residential area sa bayan ng Vinhedo na ikinasira naman ng isang local condominium complex.
Makikita sa footage na ang eroplano ay pababang patayo na umiikot habang ito ay patungong mga kabahayan sa Sao, Paulo.
Samantala ang mga labi na kinabibilangan ng 34 lalaki at 28 babae ay kinuha na mula sa morgue sa São Paulo City at ipinasakamay na sa kani kanilang pamilya.
Dalawa sa mga biktima ay nakilala na ito ay kapitan at kanyang first officer.
Nananatili pa sa hotel ang iba pang family members upang tumulong sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga biktima.
Una rito, sinabi ni Capt Maycon Cristo, ang spokesman ng Fire department, masusing tinitignan ng kanilang team ang mga ang iba pang factors sa pagkilala sa mga pasahero gaya na lamang ng mga dokumento, position ng kanilang katawan sa upuan at ng kanilang mobile phones na narekober mula sa mga biktima.