BOMBO DAGUPAN- Tulong-tulong at nagkakaisa ang mga kabataan sa Sapang II Ternate, sa bayan ng Cavite upang mangolekta ng mga plastic bottles upang gawing improvised booms pamigil sa pagkalat ng oil spill sa Bataan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ruzz Symon Llanes, Presidente ng Crusher Youth Club, wala man itong kapalit na babalik sa kanila subalit malakas ang kanilang layunin na makatulong sa kalakisan at kalusugan ng mga malapit sa oil spill.
Nagmula umano ang inisyatibang pangongolekta sa Barangay Kagawad ng kabilang barangay at nakipag koordina sila sa kanilang Sangguniang Kabataan, maging sa kabilang barangay, at sa kanilang konsehal upang gawan ito ng aksyon.
Katuwang din nila ang Local Youth Development ng kanilang bayan at patuloy din ang kanilang pakikipag tulungan sa iba pang mga organisasyon sa kanilang lugar.
Suportado naman sila ng kanilang Local Government Units upang maisakatuparan ang kanilang hangarin.
Aniya, nasabukan na rin itong magamit sa oil spill dahil nakapagdala na sila ng ilan sa Bataan.
Maliban sa mga plastic bottles, nangongolekta din aniya sila ng mga buhok mula sa mga barbershops at salon at ng mga buko upang gawin din improvised booms.
Bukas naman silang makipagtulungan maging sa labas ng kanilang bayan.
Saad pa ni Llanes na handa silang umaksyon at ipagpatuloy ang kanilang proyekto ano man ang kanilang kaharapin.
Hinihikayat din niya ang iba pang mga kabataan na makiisa at magtulong-tulongan upang mawakasan na nag kinakaharap na problema kaugany sa oil spill.