BOMBO DAGUPAN- Matagal nang napulitika ang Public Utility Vehicle Modernization Program dahil lagi na lamang pinapanigan ang foreign investors.
Ito ang sentimyento ni Elmer Francsico, local manufacturer ng Modern Jeepney, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya kaugnay sa pagbigay ng Bureau of Investment ng P9-billion sa dalawang foreign manufacturer para sa modernized jeepney.
Giit niya na halata kung sino lamang ang pinapanigan ng BOI kung hindi din bibigyan ng patas na investments ang mga local manufacturers.
Ani Francsico na hindi sila nakahingi ng maski barya sa gobyerno subalit labis ang suporta ng mga ito sa mga dayuhang investors.
Sinabi din nito na di hamak na subok na ng panahon ang kanilang produkto kumpara sa mga nagmula sa ibang bansa na kinakalawang na makalipas ang ilang taon at walang kalidad.
Aniya, isa lamang kalokohan nang sabihin sa kanilang ng ahensya na hindi sila qualified.
Dahil matapos lamang ng senate hearing ay inutusan umano ni Sen. Raffy Tulfo na i-prioritize ng BOI ang mga foreign investors.
Gayundin sa Department of Trade and Industry dahil hindi umano nila mailabas ang certification ng Pioneer status ng kanilang manufacturer.
Gayunpaman, nakikita din naman nilang nais silang matulungan ng BOI subalit, hindi lamang alam ng mga nakaupo kung paano sila mabibigyan ng tulong. At sumusunod lamang ang mga ito sa mga nakatataas.
Subalit, maaari lamang itong magresulta ng kawalan ng trabaho para sa mga manggagawa ng local manufacturers.
Samantala, inaasahan pa na magkakaroon ng susunod pang senate hearing kaugnay sa modernization program.
Kaugnay nito, idiniin niya na dibale nang mas marami ang populasyon ng sumunod sa modernization program dahil ang mahalaga ay walang maiiwanan kahit ang mga nasa minority.
Gayunpaman, naging maliwanag naman aniya si Senate President Chiz Escudero na sa pagsuspinde ng PUVMP ay hindi kailangan tumigil ng mga consolidated kundi ang hindi gawing kolorum ang mga unconsolidated.