Dagupan City – Inuulan ngayon ng pambabatikos ang TV host-actress na si Toni Gonzaga.

Ito’y matapos kumalat ang issue na tila ba binaliwala ng actress ang napagdaanang sexual harassment ng Vivamax actress na si Angeli Khang.

Kamakailan lamang nang mag-upload kasi ng YouTube vlog si Toni sa kaniyang naging panayam kay Angeli. Dito na napag-usapan ng dalawa ang mga karanasan ng aktres bilang isang kilalang sexy star.

--Ads--

Isa na nga rito ang natanong ni Toni kung may pagkakataon bang naramdaman ng actress na naaabuso at napagsasamantalahan siya ng mga kaeksena niyang lalaki sa tuwing kinukunan ang mga intimate scene.

Dito na ibinahagi ng actress na may mga pagkakataong pakiramdam niya ay sinasamantala ng kanyang co-star ang mga eksena nilang kinukunan, lalo na kung ito ay sex scene.

Agad namang sumagot si Toni ng lalaki pa rin sila at Make-carried away talaga ang mga ito sa eksena.
Uminit naman ang mga nitizens sa narinig at lumalabas anila na pangungunsinti sa mga lalaking mapang-abuso sa industriya ng showbiz.