Dagupan City – Inaasahang magbibigay ng libreng konsumo ng kuryente ang Nuclear Power Plant.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay District 2 Congressman Mark Cojuangco Doble umano ang halaga ng annual consumption nila sa taong 2021.
At sa 80 taon na tagal ng isang nuclear power plant, nangangahulugan na sa bawat 4 na ikakabit, ang isa ay may 1000 megawatts, katumbas nito ang 8x na naging libre sana ang 2021 consumption.
Kaya kahit lumaki ang konsumo sa kuryente, ay posible pa rin aniyang matatagalan pa bago maubos ang libreng kuryente.
Ayon kay Cojuangco, kung mangyari man ito ay malaking tiyansa para maging maganda ang lagay ng kanilang ekonomiya.
Dagdag pa niya ang kagustuhan na maging maganda ang mga iprasktraktura sa kanilang distrito.
Kasali na nga rito ang maayos na kalsada para maiwasan ang malalang baha.