Dagupan City – Mas lalawak pa ang serbisyong ibibigay ng Lingayen District Hospital matapos ang pag apruba ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang resolution sa pagpapatayo ng 3 Storey building sa naturang ospital.

Ang resolution ay ini-endorso sa Dept of Health ang aplikasyon para sa Permit to Construct a 3-Storey building for Level II Hospital with a 100-bed capacity at the Lingayen District Hospital.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, ang presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan, mula sa dating 40 beds capacity ng ospital ay magiging 100 -110 bed capacity na ito.

--Ads--

May mga bagong medical equipment na rin na ilalagay kasama na hemodialysis center.
Nangangahulugan na mas dadami pa ang maseserbisyuhan ng hospital sa mga pasyente may sakit at less-privileged Pangasinenses dahil patuloy ang paglaan ng provincial government ng pondo sa construction, repair, rehabilitation, at maintenance ng hospital buildings.

Matatandaan na layunin ng administrasyon ni Pangasinan Governor Ramon Guico na maibigay ang pinaka mahusay na serbisyong pangkalusugan sa higit 3.1 milyong Pangasinense sa pagpapabuti ng lahat ng pasilidad sa kalusugan, ang pagkuha ng mga bagong makabagong kagamitang medikal at laboratoryo, at mas maraming medikal personnel.

Samantala, naghahanda na rin ang Pamahalaan Panlalawigan ng Pangasinan ng pondo para sa dagdag sahod at benepisyo ng mga manggagawa sa gobyerno sa ilalim ng EO 64 na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.