Dagupan City – Pasado na Traffic Ordinance ng lokal na pamahalaan ng Manaoag at inaasahang lilikha ito ng mas maayos na daloy ng trapiko sa Minor Basilica ng Manaoag.
Ayon kay Manaoag Mayor Jeremy Agrerico “Ming” Rosario, malaking tulong ito sa pagsasaayos ng trapiko sa kanilang bayan, partikular na tuwing linggo dahil dagsaan ang mga bisita at mga magsisimba sa simbahan.
Aniya, nakatakda rin silang magsagawa ng mga expansion sa kakalsadahan sa gilid na bahagi ng simbahan.
Bagama’t sumsikip na rin aniya ang national road sa harap nito, hindi naman aniya nagkukulang ang mga lokal na pamahalaan sa paalala.
Samantala, nakatakda ring magpatayo ang ilang mga private sectors sa kanilang bayan ng mga hotels at resorts na layuning mabigyan ng magandang serbisyo at karanasan ang mga bisita sa bayan at mas mapatagal pa ang kanilang pananatili upang ma-enjoy ang bakasyon.