Dagupan City – Mga kabombo! Kamakailan lang ay usap-usapan si suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo. Kung saan ay pinaghahanap na ito ng kapulisan sa kinakaharap na akso.

Ngunit ibahin niyo ang look-alike ni Mayor Alice Guo, dahil imbis na kabahan.

Ay tila naging assset pa niya ito sa kaniyang pagtitinda ng empanada.

--Ads--

Sa ulat, lumalabas na nagsimulang tawagin na “Mayor Alice Guo” ang 29-anyos na empanada vendor na kinilalang Reyna Ruth Hagonos, nang mag-viral ang kaniyang video na ini-upload ng isang content creator.

Kapansin-pansin kasi ang kanilang pagkakahawig kung saan ay maputi, singkit ang mga mata, at nakasalamin din si Hagonos, na tulad ng suspendidong alkalde na pinaghahanap pa rin ngayon ng mga awtoridad para paharapin sa pagdinig ng Senado.

Anila, nagsimula lang umano sa biruan nang mapansin ni Rolando Nacional na kahawig ni Hagonos si Guo hanggang sa simulan na niya itong kunan ng video at ipinost sa social media.

Si Hagonos ay pitong taon nang gumagawa at nagbebenta ng empanada at aminado itong nakatulong din sa kaniyang hanapbuhay ang pagiging kahawig ng alkalde dahil nadagdagan ang mga bumibili sa kaniya