Dagupan City – Sasabak ngayon sa final round ng women’s individual stroke event ng 2024 Paris Olympics ang mga Pinay golfer na si Dottie Ardina.

Nauna nang sumabak si Bianca Pagdanganan sa joint 13th habang si Ardina ay nasa 13 spots mula sa 23rd matapos ang round 3.

Dahil dito nagkaroon ng 73 na tira si Pagdanganan para makausad sa pitong spots na mas mababa.

--Ads--

Ayon kay Vladelyte Valdez Bombo International News Correspondent Paris, France, kaabang-abang ngayon ang ipapakitang performance ng mga ito sa mga susunod pang laban.

Samantala, bamaga’t nabigong mag-qualify si Pinay weightlifter na si Vanessa Sarno sa womens’ 71kgs.

Sinubukan pa rin nitong buhati ang women’s 100 kgs, nakatatlong attempt pa naman ito, ngunit hindi niya nakayanan sa snatch kaya idineklara na itong Did Not Finish (DNF).

Dahil dito ay tuluyan na ring natapos ang unang sabak niya sa Olympics at hindi na makakausad sa clean and jerk round.

Sa kabila nito, nanantili namang positibo ang atleta at gano’n na rin ang publiko sa kaniyang ipinakitang dedikasyon sa laban.

Samantala, hinggil naman sa ulat na mga nagpositibo sa Covid-19 ang mahigit 40 atleta na naglalaro sa Paris Olympics. Sinabi ni Valdez ay palaisipan pa rin sa ngayon kung saan nag-umpisa ang sakit ngunit isa sa mga nakikitang dahilan ay ang closed door sa mga viollage ng atleta na maaring naging dahilan para kumalat ito sa mga nasa area.

Matatandaan na nagpahayag na rin ang World Health Organization (WHO) na patuloy pa rin ang pag-ikot ng virus na nagdudulot ng Covid kayat kailangang maging maingat ang bawat atleta.

At pinayuhan naman ang mga bansa na lalo pang lawakan at lakasan ang response system ng mga ito laban sa naturang sakit.