BOMBO DAGUPAN- Nagsalita na si Former US President Donald Trump sa harap ng mga reporters sa kaniyang mansiyon sa may Florida sa Estados Unidos ito ay matapos ng ilang linggong pananahimik ng republican simula noong inanunsiyo na hindi na tatakbo sa pagkapangulo si President Joe Biden at pag-endorso kay Vice President Kamala Harris bilang kanyang kapalit.

Ayon kay Isidro Madamba Jr, Bombo International News Correspondent USA na simula noong inanunsiyo si US VP Harris ay dumidikit na ang labanan ng magkabilang partido.

Aniya na sa katatapos lamang na survey ay lumalabas na nangunguna na si Harris na may 8 porsyentong kalamangan laban kay Trump.

--Ads--

Kung saan matapos ang anunsiyo ay marami ang nagbigay ng pondo sa democratic party para sa kanilang kampanya.

Dagdag pa niya na naging triple o higit pa ang suportang natatanggap ng partido ni Harris.

Samantala, magaganap naman ang debate showdown sa pagitan ng dalawa sa darating na Setyembre 10.