Dagupan City – Matagumpay na binuksan ang Pilot Project ng Department of Migrant Workers at Department of Tourism sa bayan ng Lingayen.

Ayon kay Venecio V. Legaspi, Assistant Secretary ng Department of Migrant Workers, isa ang bayan sa kanilang napili dahil kilala rin ito sa buong bansa na may layuning i-promote ang gawang lokal gaya na lamang ng kanilang pangunahing produkto na bagoong.

Aniya, dahil dito, napagdesisyunan nilang makipag-koordina sa Pangasinan Provincial Government sa pangunguna ni Pangasinan Governor Ramom “Monmon” Guico III.

--Ads--

Layunin ng programa na bigyang oportunidad ang mga Overseas Filipino Workers na patuloy na nakikipagsapalaran sa ibayong dagat.

Kung saan ay nagbibigay sila ng mga seminar gaya na lamang ng nasabing inisyatiba at itinuturo rito ang mga basic knowledge sa culinary; gaya na alamng ng proper sanitation, proper preparation ng pagkain at ang pagpapalawak pa ng mga kaalaman sa contacts.

Aniya, karamihan kasi sa mga OFW’s ay hindi na nila nalalaman pa ang kanilang karapatan, gaya na lamang ng mga nakaabang na mga programa sa kanila ng pamahalaan at isa na nga rito ang nabanggit.

Nasa 41 naman ang nakilahok sa isinagawang programa, na nakatakdang sumailalim sa 2-day activity at pagkatapos naman nito ay tatanggap sila ng certificate at iba pa mula sa DMW, at ibang sangay ng pamahalaan.