Dagupan City – Nagsagawa ng monitoring ang mga opsiyal sa old and new market sa San Carlos City upang masrui ang pagkalat ngayon ng napapaulat na African Swine Fever o ASF.

Pinamunuan naman ito ni OIC, Market Superintendent na si Joseph D. Fernandez, katuwang ang mga City Vetrinarian.
Ayon kay Fernandez, maaga pa lamang ay nagpupunta na ang mga City Vet upang masuri kung ligtas nga ba ang mga ibinebentang karne ng baboy.

Dagdag pa niya, araw-araw naman ng madaling araw ay nasa palengke na rin ang mga taga slaughterhouse at sinusuri nila ang mga pumapasok na karne ng baboy sa palengke.

--Ads--

Ang ASF ay isang seryosong sakit na umaapekto sa mga baboy at dulot ito ng isang virus.

Kung saan ang mga baboy na may ASF ay nagdudulot ng mataas na lagnat, pagdurugo, at matinding pagkasira ng kanilang mga internal organs, habang karamihan sa mga baboy na nahahawaan at natatamaan ng ASF ay namamatay.

Nilinaw naman ng mga ito na hindi ito nakakahawa sa mga tao, ngunit may malubhang epekto naman ito sa industriya ng baboy.
Pagbabahagi naman nito na ang pangunahing paraan muna upang kontrolin ang sakit ay ang istriktong pagsusuri ng kanilang biosecurity measures, check-up ng mga alagang baboy, at agarang pag-aalaga sa mga nahawaang hayop.