BOMBO DAGUPAN- Tiniyak ng mga kapulisan at karamihan sa mga mamamayan ng United Kingdom ang kaligtasan ng mga migrants sa kanilang bansa mula sa anti-migrants rally.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Grant Gannaban O’neill, Bombo International News Correspondent sa United Kingdom, isang tahimik na rally ang ang inorganisa ng mga rightist sa United Kingdom upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa pagpasok ng mga migrants sa kanilang bansa.

Kaya nagdeploy ng halos 6,000 anti-riot police sa bansa upang obserbahan ang ginagawang rally.

--Ads--

Nagkaroon naman ng counter-rally ang mga sumusuporta sa migrants kung saan nagsagawa silan ng barricade upang magmistulang proteksyon sa mga lugar ng mga naninirahang migrants. Nahigitan ng mga ito ang bilang ng mga anti-migrants protesters.

Inabisuhan din umano ang publiko partikular na ang mga nagtatrabahong dayuhan sa bansa na umiwas na lamang sa pinangyayarihan ng rally dahil sa posibilidad na maging bayolente ito.

Pinag iingat din aniya ng Philippine Embassy ang mga Pilipino lalo na sa pagdaan sa malapit sa mga nagrarally.

Gayunpaman, naging maayos man ang isinagawang rally ngunit hindi aniya naiwasan ang ilang insidente subalit hindi na ito lumaki pa.